^

Probinsiya

Desperadong mister, nag-suicide

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON , Philippines   - Sa pagnanais na hindi na maging pabigat sa kanyang pamilya sa pag-aalaga sa sakit na diabetes, winakasan ng 61-anyos na mister ang sariling buhay makaraang magbaril ito sa ulo kamakalawa ng umaga sa Barangay Sto. Cristo, bayan ng Sariaya, Quezon. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Joel de Mesa, chief of police rito, isinagawa ng biktimang si Herminigildo Sulit ang pagpapakamatay gamit ang cal. 38 revolver bandang alas-5 ng umaga sa loob ng palikuran ng kanilang bahay. Lumalabas sa imbestigasyon na bago maganap ang insidente, naisugod sa Candelaria Hospital ang biktima dahil sa sakit na acute diabetes. Naikuwento pa ng biktima sa kanyang mga kaanak na mas gugustuhin na lamang niyang magpakamatay sa halip na maghirap ang mga ito sa pag-aalaga sa kanya. Inakala ng mga kaanak na nagbibiro lamang ang biktima hanggang sa maganap ang insidente.

 

vuukle comment

BARANGAY STO

BIKTIMA

CANDELARIA HOSPITAL

CRISTO

HERMINIGILDO SULIT

INAKALA

LUMALABAS

NAIKUWENTO

QUEZON

SARIAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with