^

Probinsiya

2 students utas sa road mishap

Christian Ryan Sta Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines - – Dalawang estudyante sa kolehiyo ang namatay habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang bumangga ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo sa puno ng Acacia sa Brgy. Sta. Arcadia ng lungsod na ito, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni P/Supt. Pedro Soliba, hepe ng pulisya rito, ang dalawang biktima na sina Erick Marck Ponce, 20-anyos, binata ng Champaca 1, Brgy. Dicarma, ng lungsod na ito; at si Realyn Bugarin, 18, dalaga ng Brgy. Sta. Arcadia; pawang ng lungsod na ito.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa Dr. Paulino  Garcia Hospital dito, ang sugatang biktima na sina Kay Ann Almeda, 16 anyos at  Aileen Bernardo, 18 taong gulang.

Ayon sa ulat, isa-isang inihahatid ni Ponce sa kani-kanilang mga bahay ang tatlong babaeng sakay nito sa  kulay pulang Yamaha Mio motorcycle (9321-N), nang mangyari ang aksidente, bandang ala-1:10 ng madaling-araw.

Sa lakas ng pagkakabangga, ang apat na sakay ng motorsiklo ay nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan na humantong sa pagkamatay ng driver na si Ponce at ni Bugarin na hindi na umabot pa ng buhay sa nabanggit na ospital. Iniimbestigahan pa ang kasong ito.

vuukle comment

AILEEN BERNARDO

AYON

BRGY

DR. PAULINO

ERICK MARCK PONCE

GARCIA HOSPITAL

KAY ANN ALMEDA

PEDRO SOLIBA

REALYN BUGARIN

YAMAHA MIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with