OFW kinatay ng akyat bahay gang

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang biktima ng notoryus na akyat bahay gang ang isang balikbayang Civil Engineer matapos itong matagpuang patay sa loob ng kanyang bahay na nakagapos ang mga kamay at nakabigti ang leeg kamakalawa ng gabi sa Brgy. Panapaan 8, Bacoor City, Cavite.

Ang biktima ay nakilalang si Manuel Gorospe 56 anyos at  residente ng Block 2, Lot 8, Phase 3A Bakawan St., Brgy Panapaan 8 ng lungsod.  Sa imbestigasyon ni PO3 Jonvic Marquez, may hawak ng kaso, dakong alas-8:45 ng gabi ng madiskubre ng pamangkin ng biktima ang krimen. Ang biktima ay nakagapos ang mga kamay at paa sa loob ng kaniyang silid habang nakapulupot pa sa leeg nito ang alambre na ginamit sa pagbigti. Samantalang, nawawala ang hindi pa madeterminang malaking halaga ng at ang Iphone 4s nitong cell phone. Ayon pa sa pulisya, malaki ang posibilidad na pinasok ng akyat bahay o magnanakaw ang biktima at patuloy pa rin ang pagsisiyasat sa kaso.

Show comments