^

Probinsiya

Dalaga tiklo sa pekeng credit card

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - – Kalaboso ang 31-anyos na dalaga makaraang arestuhin ng pulisya sa aktong gumamit ng pekeng credit card sa shopping mall sa Barangay Bañga, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Christina Tiamzon ng Barangay Lourdes sa bayan ng Minalin, Pampanga. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Rafmil Corpuz, namili ang suspek kasama ang dalawang kasabwat na lalaki sa kilalang shopping mall gamit ang pekeng credit cards. Gayon pa man, nagduda ang kaherang si Mary Grace Otico sa ginamit na credit cards ng suspek dahil sa kakaiba ang pangalan nito.  Dito na inalarma ng kahera ang mall manager kung saan tumawag ng mga pulis para arestuhin ang suspek subalit nakalabas na ito kasama ang dalawang lalaki. Nasakote ang suspek sa loob ng Toyota Hi-Ace Grandia (ZFS-296) kung saan nasamsam ang kahung-kahong gatas at iba pang mamahaling pagkain.

vuukle comment

BARANGAY BA

BARANGAY LOURDES

BULACAN

CHRISTINA TIAMZON

DITO

MARY GRACE OTICO

MEYCAUAYAN CITY

RAFMIL CORPUZ

TOYOTA HI-ACE GRANDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with