Kumanta ng 'My Way' pinabulagta

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 24-anyos na miyembro ng Cafgu Active Auxiliary (CAA) ng ’di-kilalang lalaki habang kinakanta nito ang “My Way” sa loob ng videoke bar sa Barangay Balite sa bayan ng San Francisco, Surigao del Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawing biktima na si CAA Christian Jacob, nakatalaga sa Army’s 23rd Infantry Battalion ng Philippine Army. Lumilitaw na kumakanta ang biktima nang lapitan at ratratin kung saan nagpulasan naman ang mga nahintakutang kustomer ng videoke house bunga ng pamamaril. Narekober sa crime scene ang 12-basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments