^

Probinsiya

Kawatan nakuryente, todas

- Raymund Catindig - The Philippine Star

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Sa tindi ng pangangailangan makabayad sa hinuhulugang motorsiklo, nasawi ang 30-anyos na lalaki matapos nitong tangkaing putulin at nakawin ang ilang metro na kable ng kuryente sa Barangay Cabaroan sa bayan ng Bacnotan, La Union kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Marlon Paiste, hepe ng pulisya sa bayan ng Bacnotan, ang biktima na si Lito Rubang ng Barangay Bumbeneg sa San Gabriel. Lumilitaw sa ulat ng pulisya, bago maganap ang insidenre ay nabigong makadilihensiya ng pera ang biktima sa kanyang pamangkin. Kaya tinangkang putulin at nakawin ng biktima ang mga kable ng kuryente sa bahay ni Junior Licos upang ibenta. Gayon pa man, natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima sa labas ng tahanan ni Licos na may hawak na cutter malapit sa talop na kable ng kuryente.

vuukle comment

BACNOTAN

BARANGAY BUMBENEG

BARANGAY CABAROAN

CHIEF INSP

GAYON

JUNIOR LICOS

LA UNION

LITO RUBANG

MARLON PAISTE

SAN GABRIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with