^

Probinsiya

Misis utas sa patrol car

- Christina Timbang - The Philippine Star

CAVITE, Philippines  – Patay ang isang 46 anyos na ginang matapos na mabagok ang ulo sa sementadong kalsada ng aksidenteng mahulog sa tumatakbong patrol car ng pulisya sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy. Sampaloc IV, Dasmariñas City.

Kinilala ang biktima na si Ma. Victoria Gan, residente ng Block 9, Brgy. Kua, General Mariano (GMA) Alvarez, Cavite.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jesus Bae, may hawak ng kaso ganap na alas-7:30 ng gabi ng maganap ang insidente habang sakay ang ginang ng mobile car ng GMA Police Station na Toyota Hilux na may plate number SJG-315 na minamaneho ni PO1 Jervie San Pascual kasama sina Inspector Jean Alagos; PO2 Jonah Javelosa at DSWD personel Delia Bautista at patungo sana ang mga ito sa hospital sa lungsod para bisitahin ang kamag-anak ng ginang.

Ayon sa mga pulis nakaupo umano ang biktima sa dulong bahagi ng patrol   car kasama ang iba pang mga pulis na pinaniniwalaang nakaidlip bunsod upang makabitiw ito sa pagkakahawak at tuluyang mahulog na ikinasawi nito Iniimbestigahan pa ang kasong ito.

vuukle comment

BRGY

DELIA BAUTISTA

GENERAL MARIANO

INSPECTOR JEAN ALAGOS

JERVIE SAN PASCUAL

JESUS BAE

JONAH JAVELOSA

POLICE STATION

TOYOTA HILUX

VICTORIA GAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with