^

Probinsiya

Task Force El Niño, inilunsad sa Quezon Province

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang El Niño Task?Force upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan at proteksiyon ng kanilang kabuhayan sa banta nang matagal na tagtuyot at matinding init dulot ng El Niño na inaasahang mananalasa ngayong buwan ng Oktubre hanggang sa unang quarter ng 2027.

Sinabi ni Provincial Agriculturist Dr. Ana Clarissa Mariano na activated na ang kanilang El Niño Task?Force, at ang pagpaplano at pagbibigay ng intervention ay ayon sa level ng extreme level. Tumalakay naman ang kinatawan ng Provincial Health Office tungkol sa mga simpleng paraan para makaiwas sa panganib.

Binigyang?diin ni Junil Nicolas Rejano I, Unit Head ng PHO?Disaster Risk Reduction and Management in Health Unit (DRRMHU) na hindi natin kontrolado ang epekto ng El Niño, pero kayang magtulu­ngan ang isa’t isa sa simpleng pag?abot ng tubig, pag?anyaya na magpahinga, at maagang pagtukoy ng sintomas.

Hinimok ni Dr. Melchor Avenilla Jr., Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer na i?train ang mga pamilya na gamitin nang wasto at episyente ang available na resources ng tubig.

EL NIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with