^

Probinsiya

Sunog sa Buglasan Festival : 9 katao sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siyam katao ang naitalang nasugatan makaraang masunog ang isang ‘giant vegetable basket booth’  sa trahedya sa Buglasan Festival sa Dumaguete City, Negros Oriental nitong Miyerkules ng gabi.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-9:04 ng gabi nang mangyari ang sunog sa Buglasan Festival sa booth ng Canlaon City na isang ‘giant vegetable booth’ sa nasabing lungsod. 

Ayon sa inisyal na imbestigasyon habang ginaganap ang pagdiriwang sa taunang Buglasan Festival ay bigla na lamang sumiklab ang sunod sa nasabing ‘giant vegetable booth’.

Naapula naman ang sunog matapos na mag­responde ang mga bumbero dakong alas-9:15 ng gabi.

Sa pahayag ng Buglasan Festival Committee, siyam katao ang nagtamo ng bahagyang sugat at pagkapaso sa kanilang mga katawan bunga ng insidente.

Ang mga biktima ay na sa maayos ng kondisyon matapos na isugod sa Negros Oriental Provincial Hospital at Siliman University Medical Center .

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na sumiklab ang electrical wiring sa nasabing ‘giant vegetable booth’ na siyang pinagmulan ng sunog.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with