Wanted sa kasong rape, nalambat

Camp Nakar, Lucena City, Philippines — Nalambat sa Parañaque City ang isang 25-anyos na lalaki na kabilang sa Regional Most Wanted Persons dahil sa kasong rape sa lalawigan ng Quezon makaraang inguso ng mga kapitbahay kamakalawa ng gabi.
Base sa ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, kinilala ang akusado sa alyas na Bony, helper at residente ng Barangay Ayaas, Tayabas City, Quezon.
Ayon kay Col. Albacea, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga kapitbahay sa Parañaque na doon nagtatago ang suspek kaya inatasan niya ang Tayabas Component City Police Station na pangunahan ang operasyon katuwang ang 405th A MC RMFB4A, 1st Quezon Provincial Mobile Force Company 2nd Platoon, Quezon Maritime Police Station, at mga opisyal ng barangay.
Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code o rape, na inilabas ng Regional Trial Court Branch 54 at walang inirekomendang piyansa.
- Latest















