^

Probinsiya

2 opisyal ng munisipyo niratrat

- Malu Manar - The Philippine Star

KABACAN, North Cotabato, Philippines — Dalawang opisyal ng municipal planning and development office sa bayan ng Datu Montawal sa Maguindanao ang pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan kung saan nasawi ang isa sa naganap na panibagong karahasan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP, ang napaslang na si Engineer Ronald Bantiding, 39, ng Barangay Banawag.  

Kritikal naman si Nestor Salama, 40, municipal environment and natural resources officer.

Si Bantiding ay napuruhan sa ulo at dibdib habang si Salama naman ay dalawang tama sa tagiliran.

Lumilitaw na pauwi na sa bayan ng Kabacan ang dalawa na magkaangkas sa motorsiklo nang pagbabarilin pagsapit sa Barangay Malabuaya na may ilang metro ang layo sa detachment ng 7th Infantry Battalion.

Napag-alamang kapwa nakatatanggap ng pagbabanta sa buhay ang dalawa kung saan si Bantiding ay tatlong beses na ring tinangkang patayin noong 2011.

vuukle comment

BARANGAY BANAWAG

BARANGAY MALABUAYA

DATU MONTAWAL

ENGINEER RONALD BANTIDING

INFANTRY BATTALION

KABACAN

NESTOR SALAMA

NORTH COTABATO

RAUL SUPITER

SI BANTIDING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with