^

Probinsiya

Suspek tumangging magbayad ng utang, 14-anyos kinatay ng katropa

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 14-anyos na dalagitang incoming 2nd year high school student matapos itong saksakin ng isa sa tatlo nitong barkada sa likuran ng eskuwelahan sa Dagupan City, Pangasinan noong Biyernes ng hapon.

Sa ulat ni P/Supt. Romeo Caramat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Madelyn Guyena ng Sitio Palaris sa Barangay Malaued sa nasabing lungsod.

Samantala naaresto naman ang suspek nasi Dennis Escano, 18, habang pinaghahanap naman ang tatlong kasabwat na pansamantalang hindi isiniwalat ang pagkakakilanlan.

Nabatid sa police report na ang bangkay ng biktima na natagpuan bandang alas-2:40 ng hapon sa likuran ng Dagupan City National High School ay may dalawang oras matapos itong makitang nakikipagtalo sa suspek na si Escano kasama ang tatlong iba pa.

Bukod sa 20-saksak partikular na sa harapang bahagi ng katawan ay pinukpok pa ng mala­king tipak na bato ang biktima kaya nadeporma ang mukha nito.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na nairita si Escano dahil sa pangu­ngulit ng biktima sa sini­singil nitong pautang na P 16,000 sa suspek na kaila­ngan na niya dahil bahagi  ito ng kaniyang matrikula at hindi ito alam ng kaniyang mga magulang ay magbubukas na ang klase.

Narekober naman sa crime scene ang patalim na ginamit sa pagpatay sa biktima at ang duguang malaking tipak na bato na ginamit sa pagpukpok sa mukha ng dalagita.

vuukle comment

BARANGAY MALAUED

BIYERNES

CAMP CRAME

DAGUPAN CITY

DAGUPAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

DENNIS ESCANO

ESCANO

MADELYN GUYENA

ROMEO CARAMAT

SITIO PALARIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with