^

Probinsiya

Ride-hailing app driver hinoldap, ginilitan

Pilipino Star Ngayon

Isang ride-hailing app driver na biktima ng carnapping at ginilitan sa Tanza, Cavite nitong Lunes, Mayo 13.

Ang biktima na ma­suwerteng nabuhay ay nagsalaysay na noong Linggo nang mag-book ang 2 suspek sa kanya na sinundo niya sa coffeeshop sa isang mall sa Ermita, Maynila.

Sumakay sa passenger seat ang isa at sa likod ang kasabwat nito.

Sa San Juan umano ang dropoff point, pero nang marating ang Paco Bridge sa Sta. Mesa, dito na nagdeklara ng holdap ang mga suspek. Tinutukan siya ng baril sa tagi­liran ng isa at kutsilyo sa likod ng kasama nito.

“Nilagyan na po nila ako tape sa mata, sa kamay at paa, then nilipat nila ako sa likod, minaneho na po nung katabi ko yung sasakyan, hindi pa po nila tinetape yung bibig ko,” sabi ng biktima.

“Sabi ko po sa kanila, ‘Sir kunin niyo na po lahat buhayin niyo lang po ako, meron po akong pamilya.’ Tsaka na po nila tinape pati bibig ko at nilagay po sa apakan nila,” dagdag niya.

May 2 oras umano silang bumiyahe hanggang sa makarating sa Cavite.

Pagdating sa lugar kung saan ibinaba ang biktima dito na umano siya tinangkang patayin ng mga holdaper.

“Ginilitan na po ako ng isa, dalawa... Pagpiglas ko nasaksak niya po braso ko nagpatihulog po ako sa parang kanal o creek. Awa po ng Diyos may dumaang nakamotorsiklo. Sabi nung lalaki, ‘Iwan niyo na yan baka mag-report na iyan, tara na,’” sabi niya.

Pag-alis ng mga suspek, dito na siya nakawala sa pagkakatali.Tinulu­ngan siya ng dumaang naka-motorsiklo at dinala sa pinakamalapit na ospital, kung saan siya nakausap ng Tanza police.

Nasampahan na ng reklamong carnapping, robbery at frustrated murder ang pangalan na nag-book sa biktima at mga kasama nito.

vuukle comment

CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with