^

Probinsiya

Vice mayor itinumba

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Binati muna ng magandang umaga bago pinagbabaril at napatay ang bise alkalde ng hindi pa nakilalang armadong salarin na hinihinalang ‘hired killer’ sa naganap na krimen sa ha­rapan ng tahanan ng opisyal sa Mambusao, Capiz nitong Biyernes ng umaga.

 Idineklarang dead-on-arrival sa Mambusao District Hospital sa tinamong anim na tama ng bala sa mukha ang biktimang kinilalang si Mambusao Vice Mayor Abel Martinez, 79 anyos.

 Batay sa ulat  ni Police Regional Office (PRO) 6 Director Chief Supt. Cipriano Querol Jr., naitala ang krimen sa harapan ng bahay ni Martinez sa Rizal St. Brgy. Poblacion Proper ng nabanggit na bayan dakong alas-6 ng umaga.

 Kalalabas lamang  ng gate ng kanilang tahanan ng biktima at naglalakad para kausapin ang isang retiradong pulis na tinukoy lamang sa pangalang ret. SPO3 Gil Lagad nang biglang sumulpot ang gunman na lumapit sa bise alkalde.

 Nakuha pa umanong bumati ng magandang u­maga ng suspek saka pinagbabaril ng malapitan ang biktima gamit ang cal. 45 pistol. Ang isa pa nitong kasama ay nagsilbi namang lookout na pumarada sakay ng kulay itim na TMX 155 motorcycle ‘di kalayuan sa crime scene.

 Matapos na duguang bumulagta ang lokal na opisyal ay mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Jamindan, Capiz.

 Nabatid kay Mambusao, Chief of Police Inspector Samuel Vipinosa ang suspek ay may planong sumabak sa mayoralty race sa darating na May 2013 mid term elections. Kaugnay nito bumuo na ng Special Investigation Task Group upang maresolba ang­ krimen.

vuukle comment

CAPIZ

CHIEF OF POLICE INSPECTOR SAMUEL VIPINOSA

CIPRIANO QUEROL JR.

DIRECTOR CHIEF SUPT

GIL LAGAD

MAMBUSAO

MAMBUSAO DISTRICT HOSPITAL

MAMBUSAO VICE MAYOR ABEL MARTINEZ

POBLACION PROPER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with