^

Probinsiya

Guro utas sa panabong na manok

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Masaklap na Kapaskuhan ang sumalubong sa pamilya ng isang 53-anyos na elementary teacher matapos tamaan ng tare ng panabong na manok sa tupadahan sa Sitio San Isidro, Barangay Perrelelos sa Carcar City, Cebu kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa Carcar Emergency Hospital dahil sa tinamong malalalim na sugat ng tare ang biktimang si Fabiano Macasero, guro sa Liboron Elementary School.

Base sa imbestigasyon, tinatarian ni Macasero ang kaniyang alagang pana­bong na manok sa loob ng tupadahan nang biglang sumugod ang kalaban nitong tandang na manok na may matalim na tare.

Dito na lumipad sa ere ang panabong na manok kung saan sunud-sunod na pinupog ang hita ng biktima.

Kasunod nito, nabitawan naman ng guro ang kanyang panabong na manok dahil sa matinding sakit kung saan nagmistulang ipinaghiganti ang amo hanggang sa mapatay nito ang kalabang manok.

vuukle comment

BARANGAY PERRELELOS

CARCAR CITY

CARCAR EMERGENCY HOSPITAL

CEBU

DITO

FABIANO MACASERO

IDINEKLARANG

KAPASKUHAN

LIBORON ELEMENTARY SCHOOL

SITIO SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with