Utol ng chairman todas sa adik

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa isang 55-anyos na kapatid ng barangay chairman makaraang pagtatagain ng ‘di-kilalang lalaki na sinasabing lango sa bawal na droga sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur kamakalawa. Napuruhan sa leeg si Leonora Rodriguez ng  Barangay Agay-Agay at kapatid ng Barangay Chairman Rogelio Rodriguez. Samantala, ibinasura naman ng pulisya ang anggulong holdap dahil narekober ang maghapong kinita nito sa pagtitinda sa eskuwelahan. Sa tala ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA), ang Camarines Sur ay nangunguna sa listahan na talamak ang paggamit ng bawal na droga na sinundan naman ng Albay at Camarines Norte.

Show comments