^

Probinsiya

Sanggol namatay sa lamig

- Ni Malu Manar -

KIDAPAWAN CITY ,Philippines  – Isang sanggol na lalaki ang iniulat na namatay sa lamig matapos na itinapon ng walang pusong ina sa masukal na bakanteng lote sa Poblacion ng Kabacan, North Cotabato kamaka­lawa ng hapon.

Naisugod pa sa North Cotabato Provincial Hospital sa Kidapawan City ang naghihingalong sanggol subalit bandang alas-9:30 ng gabi ay tuluyang kinuha ni kamatayan. 

Ayon kay Dr. Eva Rabaya, chief of clinics ng provincial hospital, nagkaroon ng respiratory distress ang sanggol kaya ito namatay.

Ang sanggol ay binig­yan ng code name na Baby Boy: 11-13 dahil ito ay inihatid sa nasabing ospital noong Linggo (Nob.13) kung saan pinaniniwalaang sa araw ding iyon isinilang ang sanggol.

Ayon pa kay Dr. Rabaya, ang sanggol ay 26 na linggo pa lang sa sinapupunan ng ina ay sapilitan itong iniluwal at itinapon sa liblib na bahagi ng nasabing lugar.

Nagkasundo ang pamunuan ng North Cotabato Provincial Hospital na bibigyan ng disenteng libing ang sanggol.

vuukle comment

AYON

BABY BOY

DR. EVA RABAYA

DR. RABAYA

ISANG

KIDAPAWAN CITY

NORTH COTABATO

NORTH COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

SANGGOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with