^

Probinsiya

Van nahulog sa bangin: Dalagita todas, 12 pa grabe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang 16-anyos na dala­gita ang nasawi, habang 12 pa ang grabeng nasugatan matapos na mahulog sa matarik na bangin ang sinasak­yan ng mga itong behikulo sa highway ng Brgy. San Jose, Prosperidad, Agusan del Sur kamakalawa.

Nakilala ang nasawi na si Mary Rose Biha, ng Bislig City, Surigao del Sur na idineklarang dead on arrival sa D. Plaza Memorial Hospital sa bayan ng Prosperidad.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang mga sugatan na sina Abdul Radia, Lloyd Fernandez, Jeson Sulino, Maila Baquiano, 13, Celistina Baquiano, Genalyn Alisbo, Alberto Ontua, Luzviminda Llompera, 46, Joel Colon, Cloro Licayan, Rudy Gerit at ang driver na si Fernando Halina Jr.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 13, naganap ang sakuna sa nasabing lugar bandang alas-4 ng madaling-araw.

Kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang Hyun­dai Starex van (LYF-639) na minamaneho ni Halina nang aksidente itong mahulog sa bangin na sumalpok pa sa isang punong kahoy na ikinasawi ng da­lagita na nagtamo ng ma­tinding sugat sa ulo ha­bang malubha naman ang iba pa.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela si Halina na nagbunsod sa pagbulusok ng behikulo sa bangin na nasa tabi ng highway.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang kasong ito.

vuukle comment

ABDUL RADIA

BAQUIANO

BISLIG CITY

CLORO LICAYAN

FERNANDO HALINA JR.

HALINA

JOEL COLON

LLOYD FERNANDEZ

MARY ROSE BIHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with