Buong puwersa ng Kabugao police, sibak

ILAGAN, Isabela, Philippines — Naglabas ng kautusan ang Provincial Police Office ng Apayao upang sibakin ang hepe ng Kabugao police station at ang kanyang mga tauhan matapos mabigo umano ang mga ito sa pagresolba sa ibat ibang krimen sa kanilang nasasakupan. Sa rekomendasyon na ipinalabas ni Sr/Supt. Nestor Bergonia, Police Provincial Director ng nasabing lalawigan, nangunguna sa mga sinibak si Insp Edward Howes ,hepe ng Kabugao Police at ang lahat ng mga tauhan nito. Ang mga ito ay tinanggal sa puwesto dahilan sa serye ng kriminalidad na naitala sa lalawigan. Samantalang binuo naman ang Task Force KABDALUS (Kabugao Dalusan ti Kriminal o linisin ang kriminal sa Kabugao) upang pansamantalang mangalaga sa kaayusan at katahimikan sa nasabing bayan.

Show comments