2 sibilyan utas sa bus hostage

MANILA, Philippines - Dalawa sa apat na nasawi sa isang pampasaherong bus na kinomander ng mga armadong New People’s Army (NPA) ay natukoy na mga si­bilyan na kabilang sa mga pasaherong hinostage ng mga rebelde sa lalawigan ng Quezon kamakalawa.

Ayon kay Quezon Provin­cial Police Office (PPO) Di­rector Sr. Supt. Erickson Ve­las­quez, positibong kinilala ang dalawang sibilyan ng kanilang mga pamilya na sina Cherry Gil Maaliw, 23-anyos, isang guro sa Aurora Elementary School at ang konduktor ng bus na si Joel Cavanes, 36. Ang dalawang iba pa na pinaghihinalaang mga rebelde ay sina Teodora Tolentino, 52 at Joely Pines, 45.

Samantala, apat naman ang nasugatan na iniimbestigahan pa kung kabilang sa mga rebelde.

Nitong Miyerkules, dakong ala-1:30 ng hapon ay kinumander ng mga rebeldeng NPA ang naturang bus sa bayan ng San Francisco, kung saan nagkaroon ng bakbakan sa Catanauan, Quezon. Kaugnay nito, ipinag-utos na ni AFP-Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Roland Detabali ang pagbuo ng Board of Inquiry upang imbestigahan ang kaso. “It’s to unfortunate, nagka­roon ng collateral damage, may nadamay na mga civilians,” pag-amin ng mga opisyal.

Show comments