^

Probinsiya

Anak ng barangay chairwoman kinidnap

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang estudyanteng anak ng nagwaging barangay chairwoman sa Barangay Mahayahay, Iligan City, Lanao del Norte noong Biyernes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang kinidnap na si Edris Polala, 21, estudyante ng Iligan Computer Institute, at nakatira sa Purok Gumamela. Si Polala ay anak ni Chairwoman Hadi Saripa Polala na nagwagi noong barangay eleksyon sa Brgy. Sumbag, Bayang, Lanao del Sur  laban sa katunggaling si Abdul Malik Hamdag. Naganap ang pagdukot habang pauwi na ang biktima dakong ala-una y medya ng hapon kung saan isinakay sa berdeng Adventure na walang plaka at tumahak sa direksyon ng Jeffrey Road. Ilang oras matapos na dukutin ang biktima ay kumontak naman ang mga kidnaper at nag-demand sa kapatid nitong si Salahuddin Polala na palalayain lamang nila ang bihag kung bababa bilang chairwoman si Saripa at iluluklok sa puwesto ang tinalo nitong si Hamdag. Sinasabing ang biktima ay dinukot sa kautusan mismo ng pamilya ni Hamdag kung saan ang kaso ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad.

vuukle comment

ABDUL MALIK HAMDAG

BARANGAY MAHAYAHAY

CHAIRWOMAN HADI SARIPA POLALA

EDRIS POLALA

HAMDAG

ILIGAN CITY

ILIGAN COMPUTER INSTITUTE

JEFFREY ROAD

LANAO

PUROK GUMAMELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with