^

Probinsiya

Buntis na shabu dealer, kasabwat huli sa buy-bust

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng mga pulis ang abot sa P340,000 na halaga ng shabu sa isang buntis at kasabwat nito matapos ang ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Diversion Road sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte nitong Huwebes.

Hindi na pumalag ang dalawang suspek na kinilalang sina Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos na buntis, at kasamang si Hamid Dalama Guimba, 23-anyos, nang arestuhin ng magkasanib na mga operatiba ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, na pinamumuan ni Lt. Col. Sahibun Mamamtal, at mga kasapi ng Cotabato Police Precinct 3, makaraang magbenta umano ng shabu sa poseur buyer.

Naharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and dalawang nalambat na shabu dealers gamit ang shabu na nasamsam sa kanila sa naturang police entrapment operation.

Maliban sa shabu, nakumpiska rin ng mga pulis kina Esmail at Guimba ang isang Honda XRM 125 na motorsiklo at mga cellphone na may mga numero ng kanilang mga parokyano. 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with