^

Probinsiya

Kwadro 10 na sanggol, isinilang

- Ni Victor Martin -

ILAGAN, Isabela, Philippines  – Kakaibang malusog na lalaking sanggol ang pinag-uusapan ng mga residente matapos isilang sa pambihirang pagkakataon sa bayan ng San Agustin, Isabela kamakalawa.

Ayon kay Virginia Caraballe, midwife ng San Agustin Rural Health office, si Juanita Occillos ng Barangay Nemmatan ang nagsilang ng sanggol sa eksaktong Oktubre 10, 2010 dakong alas-10 ng umaga (10-10-10-10 AM).

Dahil sa pambihirang buwan, petsa, taon at oras na nataon sa numerong 10 ay agad na pinangalanan ang batang sanggol ng Ten Ten na may alyas na Kwadro Diyes.

Si Ten Ten ay ikalimang anak sa magkakatugmang numero ng 10, kung saan animo’y kuryenteng gumapang sa buong lalawigan ng Isabela ang balita.

Paniwala naman ng mga residente na ang kakaiba at pambihirang kapanganakan ni Ten Ten ay may malaking pahiwatig sa kanilang bayan na sinasabing magdadala ng suwerte lalo na sa mga magsasaka.

Bilang katunayan, sa mismong araw ng kapanganakan ni TenTen ay agad na naipagkaloob sa opisyal ng lokal na pamahalaan ang P5 milyong pondo para pambili ng mga kalabaw na ipamamahagi sa mga magsasaka na karamihan ay nabubuhay lamang sa pagsasaka.

Dahil dito, inihayag naman ni San Agustin Mayor Berling Padilla na makakatanggap ng scholarship si Ten Ten sa kanyang pag-aaral mula elementarya hanggang hayskul.

vuukle comment

BARANGAY NEMMATAN

DAHIL

ISABELA

JUANITA OCCILLOS

KWADRO DIYES

SAN AGUSTIN

SAN AGUSTIN MAYOR BERLING PADILLA

SAN AGUSTIN RURAL HEALTH

SI TEN TEN

TEN

TEN TEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with