^

Probinsiya

8K aksidente naitala sa Kabikulan, road safety forum inilunsad

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

TABACO CITY, Albay, Philippines — Nakakabahala ang pagtaas ng bilang ng mga aksidente sa kalsada sa buong Kabikulan matapos na makapagtala ang Department of Health ng hindi bababa sa 8-libong aksidente sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon nitong nakalipas na taong 2023.

Ito ang inihayag ni Ako Bicol Cong. Raul Angelo Bongalon, sa talumpati nito bilang pangunahing bisita sa inilunsad na Youth Forum on Naviga­ting Transportation Road Safety ng Tabaco National High School sa Tabaco City, Albay na dinaluhan ng hindi bababa sa 800 na estudyante sa Grade-12 ng naturang paaralan.

Ayon kay Bongalon, simula nang lumuwag ang restriction sa paglalakbay makaraan ang paghihigpit dahil sa pandemya ay tumaas naman ng 30-porsyento o halos hindi bababa sa 2,400 ang itinaas sa bilang ng aksidente sa mga kalsada sa buong rehiyon na nag­resulta sa maraming pagkasawi, damage to property at iba pa.

Dahil sa pagtaas ng mga aksidente, kaya nais nila ni Cong. Elizaldy Co na kalampagin ang mga kasama sa Kongreso upang pabilisin na ang pagpasa sa naisampang “Anti-road Rage Bill” dahil ayon sa pag-aaral maliban sa road conditions, hindi pagsusuot ng helmet, paglabag sa anti-distractive, drunk and drugged driving law, ay isa ang “road rage” sa dahilan ng madudugong insidente sa daan sa buong bansa.

Pinuri naman ni Bongalon ang naturang paaralan dahil sa maagang pagtuturo sa mga kabataan sa responsableng pagmamaneho at pag-iingat, pagsakay, paglalakbay dahil sa nagkalat na peligro ng aksidente sa iba’t ibang transportasyon hindi lang sa rehiyon kundi sa buong bansa.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with