^

Probinsiya

Kabesa dinedo ng trike prexy

-

BATANGAS, Philippines – Napaslang ang isang 44- anyos na barangay chairman matapos saksakin at barilin ng pangulo ng tricycle association habang nasa gitna ng mainitang pagtatalo sa Batangas City, Batangas kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Supt. Manuel Abu, hepe ng Batangas City PNP ang napatay na si Chairman Roberto Mendoza ng Barangay 6 at residente ng Dolor Subdivision. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Marco “Mako” Matibag, 42, presidente ng Ferry Trike Association. Nabatid na nag-iinspeksyon si Mendoza sa terminal sa harap ng gate ng Dolor Subdivision nang mapansin madumi kaya inutusan nitong magwalis ang mga drayber. Nang utusan ni Mendoza si Matibag na maglinis, pagalit na sinambit nito sa kabesa na – “ bakit ako magwawalis e, ako ang pangulo dito.” Gayon pa man kahit na­insulto ay sumagot si Mendoza – “Kung ako nga kapitan nagwawalis dito, bakit ’di-mo magawa?” Nauwi sa mainitang pagtatalo ang pag-uusap hang­gang sa undayan ng saksak ng patalim ni Matibag si Mendoza. Bagamat sugatan, nagawa namang makabunot ng baril si Mendoza pero naagaw ng suspek at ilang beses na ipinutok sa biktima.

vuukle comment

BAGAMAT

BATANGAS

BATANGAS CITY

CHAIRMAN ROBERTO MENDOZA

DOLOR SUBDIVISION

FERRY TRIKE ASSOCIATION

GAYON

MANUEL ABU

MATIBAG

MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with