^

Probinsiya

Biyuda ni Sanchez vs Governor Vi

-

BATANGAS, Philippines — Pormal nang ipinahayag ni Sto. Tomas mayor at biyuda ni ex-Governor Arman San­chez ang kanyang pagtak­bo bilang gobernador ng Batangas kapalit ng kan­yang pumanaw na asawa.

Sa ginanap na maigsing press conference sa lamay mismo ni ex-Governor San­chez, hiniling nito ang suporta ng mga Bata­ngue­ño na tulungan siyang ipag­patuloy ang naiwang laban ng nasirang ama ng lalawigan.

“Hindi ko akalain na pa­palit ako sa aking asawa, mahirap ang desisyon na ito kasi iiwan ko ang mga kababayan ko sa Sto. Tomas, alam kong magta­tampo sila sa akin,” ani Mayor Sanchez.

Si Mrs. Sanchez, na naka­takda sanang tumak­bong re-electionist bilang mayor ng Santo Tomas, ay kinumbinsi ng kanilang partidong Nacionalista kabilang na ang lokal na koalisyon ng Lakas-Kampi-CMD at NPC na tumakbo bilang gobernador kapalit si ex-Governor Sanchez.

Si Sanchez ay puma­naw sa edad na 57 noong Martes sanhi ng brain hemor­rhage matapos itong mawalan ng malay-tao dahil sa over fatigue, heat stroke, hypo­glycae­mia at severe hypertension.

Bagamat may mga usa­ping legalidad sa Comelec, malaki naman ang panini­wala ng mga abogado ni Mrs Sanchez na marere­solba ang usaping substitution sa pamamagitan ng Comelec EnBanc at kung kinakailangan ay sa Supreme Court.

Samantala, hindi na­man nabahala ang kampo ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa pa­nibagong takbo ng pulitika sa kanyang lala­wigan.

“Inirerespeto ko ang hak­bang nina Mrs Sanchez pero naawa din ako sa kanya dahil may mga taong gusto lang siyang gamitin para sa kanilang personal na kapa­kinabangan,” ani Gov Vi.

 “Bigyan naman nila ng panahong magluksa si Ma­yora Sanchez, sana ma­ging tama ang desisyon n’ya at huwag makinig sa mga sulsol ng mga naka­paligid sa kanya,” pahayag ni Gov Vi.

Una nang inihinto ni Governor Vi ang kanyang pangangampanya bilang pakikiramay sa pamilyang Sanchez. “Pero kung tata­patan nila ako, iikot na uli ako para harapin ko ang aking mga kababayan na nag-aantay sa akin,” dag­dag ni Gov. Vi.

 “Nasa kamay na ng mga Batangueño ang de­sisyon dahil pagkatapos ng lahat ng ito balik na tayo sa realidad ng buhay” pagta­tapos ni Governor Vi.

vuukle comment

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

COMELEC

GOV VI

GOVERNOR ARMAN SAN

GOVERNOR SAN

GOVERNOR VI

MRS SANCHEZ

SANCHEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with