Hostage-taker todas, bata nailigtas

PANGASINAN, Philippines —Isang batang lalaki ang nailigtas sa tiyak na kamatayan makaraang i-hostage ng isang mister na pinaniniwa­laang may diperensiya sa pag-iisip kung saan uma­bot sa may 11-oras ang hostage-drama sa Baran­gay Poblacion sa bayan ng Sual, Pangasinan kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si John Chris Navarro, 5, na hinostage ni Narciso Mandapat, 50, ng Baran­gay Maticmatic, Sta. Barbara.

Napatay si Mandapat sa rescue operation, saman­talang nagtamo ng sugat sa leeg ang batang hostage sanhi ng pananaksak ni Mandapat.

Bago maganap ang hos­tage-drama, si Man­dapat ay dinala sa himpilan ng pulisya hanggang sa nagwala at nagtatakbo kaya hinabol ng mga pulis.

Subalit mabilis itong nakapasok sa bahay ng pa­milya Navarro kung saan ay kinuha nito ang ba­tang si John Chris at nag­tungo sa abando­nadong bahay at doon na hinos­tage ang batang Navarro.

Ayon kay P/Supt. Wilson Joseph Lopez, group director ng Special Operations Group ng Pangasinan PNP, na sinikap nilang kumbinsihin ang hostage-taker na sumuko ng mapa­yapa, subalit sinimulan na nitong saktan ang batang biktima kung kayat wala ng ibang paraan kundi barilin si Mandapat para mailigtas ang biktima.

Mabilis na isinugod ang batang biktima sa Ala­minos City Doctors Hospital kung­saan ay nagpa­pagaling na ito. Cesar Ramirez

Show comments