^

Probinsiya

Anak ng trader pinatay

-

BATANGAS, Philippines – Maagang nagwakas ang buhay ng isang anak ng prominenteng pamilya sa Batangas habang sugatan naman ang dalawang kasambahay nito makaraang pagsasaksakin ng dalawang magnanakaw na nanloob sa bahay ng una noong Linggo ng hapon sa Barangay Mahabang Parang, Batangas City, Batangas.

Kinilala ni P/Supt. Manuel Abu, Batangas City police chief, ang biktimang si Angelic Faytaren Turino na anak ng pamilyang Faytaren, na kilalang mga negosyante. Nasa kritikal na kondisyon naman ang dala­wang kasambahay na sina  Maryjane Villacacan, 17; at Justin Puwiran, 22, kapwa nasa Saint Patrick Hospital.

Sa follow-up operation, naaresto at kinasuhan naman ang dalawang suspek na sina Erwin Turino, 32, kamag-anak ng biktima; at si Rowel Bauzon. Ayon sa ulat, nilooban ng mga suspek ang bahay ng biktima bago tinangay ang US$900, P80,000 at assorted jewelries na umaabot sa P.3 milyon. Papatakas na sana ang mga suspek nang mamataan sila ng mga biktima kaya pinagbalingang pagsasaksakin. (Arnell Ozaeta)


vuukle comment

ANGELIC FAYTAREN TURINO

ARNELL OZAETA

BARANGAY MAHABANG PARANG

BATANGAS

BATANGAS CITY

ERWIN TURINO

JUSTIN PUWIRAN

MANUEL ABU

MARYJANE VILLACACAN

ROWEL BAUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with