^

Probinsiya

PWD binoga ng kapitbahay sa Dasma

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Inoobserbahan sa pagamutan ang isang lalaking person with disability (PWD) matapos magtamo ng tama ng bala sa balikat mula sa nakaalitang kapitbahay sa Brgy. Luzviminda 1, Dasmariñas City, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Biboy,” 35-anyos, resi­dente ng Brgy. Fatima 2, Dasmariñas City, Cavite.

Arestado naman ang suspek na kinilala sa alyas Poldo, 55-anyos, construction worker, residente din ng lugar.

Base sa ulat ng pulisya, alas-8:15 ng gabi nang maganap ang insidente, naglalakad pauwi ang biktima galing sa trabaho nito nang harangin ng suspek at barilin nang malapitan gamit ang isang maiksing baril.

Nakuha pang tumakas ng suspek na kalaunan ay naaresto rin ng pulisya.

Nagtamo ng tama ng bala sa balikat ang biktima at kasalukuyan nang inoobserbahan sa pagamutan.

Napag-alaman na may dati nang alitan sa pagitan ng dalawa.

Narekober sa lugar ng insidente ang isang cal .38 na revolver at apat na bala nito.

PWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with