^

Probinsiya

2 estudyante sinaksak sa loob ng iskul!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 estudyante sinaksak sa loob ng iskul!
Sa Isang 11-anyos na Grade 5 student na lalaking estudyante ang nasugatan makaraang saksakin ng kapwa nito estudyante sa loob ng isang pampublikong paaralan sa elementarya sa Brgy. 76-A, Davao City nitong Miyerkules.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawang estudyante ang kapwa nilalapatan ng lunas sa ospital matapos saksakin ng kapwa mag-aaral sa magkahiwalay na eskwelahan sa Davao City at San Pablo City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa Isang 11-anyos na Grade 5 student na lalaking estudyante ang nasugatan makaraang saksakin ng kapwa nito estudyante sa loob ng isang pampublikong paaralan sa elementarya sa Brgy. 76-A, Davao City nitong Miyerkules.

Sa inisyal na report ng Davao City Police, ang biktima ay mabilis na isinugod sa Southern Philippines Medical Center ang 11-anyos na Grade 5 student matapos na magtamo ng saksak sa likurang bahagi ng katawan mula sa estudyanteng 13-anyos na dumaranas umano ng depresyon dahil sa problema sa pamilya.

Ang menor-de-edad na suspek ay gumagamit din umano ng online application at nanonood ng mararahas na video na iniuugnay sa mga pa­ngalang “Brenton Tarrant” at “Arda Kuyemti”.

Sa pahayag ni P/Lt. Col. Maria Teresita Gaspan, spokesperson ng Davao City Police, pawang Grade 5 student ang biktima at suspect, pero hindi naman magkaklase sa naturang paaralan.

Samantala sa San ­Pablo City, nagpapaga­ling din sa ospital ang 12-anyos na Grade 7 student matapos masugatan sa leeg sa pananaksak ng kaniyang kaklase habang naka-school break bago mag-alas 12 ng tanghali nitong Lunes sa San ­Pablo City.

Bago ang insidente, niyaya pa ng suspect na isa ring 12-anyos na Grade 12 student ang biktima sa likuran ng eskuwelahan. Gayunman, bigla na lamang sinaksak sa leeg ng suspect ang biktima gamit ang isang 2-pulgadang kutsilyo.

Ang batang suspect ay mabilis na tumakas pero nahuli rin.

DAVAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with