^

Probinsiya

Bomb threat sa Antipolo mall, ‘wow mali’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bomb threat sa Antipolo mall, ‘wow mali’
Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon ng Oktubre 20, 2026 nang madiskubre ang isang papel na nakadikit sa cubicle ng comfort room, sa ground floor level ng Robinson’s Mall, sa barangay Dela Paz.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nauwi sa isang katawa-tawa ang bomb threat sa isang malaking mall nang magtaka ang pamunuan na itinanim umano ang pampasabog sa comfort room (CR) sa ikatlong palapag, gayung hanggang second floor lamang ang gusali, nitong Martes ng hapon.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon ng Oktubre 20, 2026 nang madiskubre ang isang papel na nakadikit sa cubicle ng comfort room, sa ground floor level ng Robinson’s Mall, sa barangay Dela Paz.

Sa imbestigasyon ng Antipolo Component City Police, inireport sa kanila ng Security Officer-in-Charge ng nasabing mall na si alyas “Rey,” ang idinulog ng isang tenant ng mall hinggil sa bomba sa CR.

Ang tenant na si Joemel Flores, empleyado ng isang pwesto sa mall, na nakita niya ang nakadikit na sticky note sa loob ng pinasok niyang cubicle ng CR na may nakasulat na nagsasabing may bomba ang palikuran.

Agad niyang inireport sa security personnel at agad namang sinuyod ng pulisya ang lahat ng CR, loob at paligid ng mall, na nag-negatibo sa pampasabog.

BOMB THREAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with