Kagawad sa Apayao timbog sa shabu raid
PUDTOL, Apayao, Philippines — Arestado ang isang incumbent barangay kagawad matapos salakayin ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanyang bahay at makumpiskahan ng droga sa Barangay Mataguisi, Pudtol, Apayao, nitong Martes.
Ang suspek na hindi pa pinangalanan ng awtoridad, isang 42-anyos at kagawad ng Barangay Matagusi ay dinakip ng mga operatiba ng PDEA-Apayao Provincial Office sa bisa ng isang search warrant sa kanyang tirahan.
Nasamsam sa isinagawang paghahalughog ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu, na may kabuuang timbang na 1.0696 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P7,273.28.
- Latest





















