^

Probinsiya

Kalaguyo ni mister, itinumba ni misis

-

Tanauan City, Batangas, Philippines – Binaril at napatay ng 40- anyos na ginang na si Mercedita Austria ang 22-anyos na kapitbahay niyang dalaga na si Anna Marie Gojelde dahil sa hinalang kalaguyo ito ng kanyang asawa kahapon ng umaga.

Naglalakad si Gojelde papunta sa kanyang trabaho nang, pagtapat niya sa bahay ni Austria sa Barangay Trapiche sa lunsod na ito, bigla siyang hinablot ng suspek na armado ng .38 kalibreng baril bago siya pina­ putukan. 

Matapos ang pamamaril, mabilis namang nagtago sa loob ng kanilang banyo si Austria dala ang ginamit na baril at nagbantang magpapakamatay kapag nagpilit na pumasok ang mga awtoridad na nagresulta ng ilang oras na negosasyon.

Agad namang itinakbo si Gojelde sa CP Reyes Hospital para lapatan ng lunas pero ideneklara na itong patay pagdating sa emergency room dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa ulo at dibdib.

Sa isinagawang imbestigasyon, nagselos umano si Austria nang mabalitaan niyang kalaguyo ng mister niyang si Nimencio si Gojelde.

Agad umanong bumili ng baril itong si Austria at gi­nawa ang krimen bago nagtago sa loob ng banyo at na­palabas lamang matapos ang apat na oras nang kumbinsihin ng kanyang inang si Virginia Padillo. (Arnel Ozaeta)

vuukle comment

ANNA MARIE GOJELDE

ARNEL OZAETA

BARANGAY TRAPICHE

BATANGAS

BINARIL

GOJELDE

MERCEDITA AUSTRIA

REYES HOSPITAL

TANAUAN CITY

VIRGINIA PADILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with