^

Probinsiya

Sanggol itinapon sa poso negro, nailigtas

-

Himalang nailigtas sa karit ni kamatayan ang isang bagong silang na sanggol na itinapon sa loob ng poso negro ng walang pusong ina nito, sa Zam­boanga City, kamaka­ lawa.

Sa police report na na­ka­rating sa Camp Crame, dakong alas-8 ng gabi nang matagpuan ang sang­gol na himalang na­buhay sa pag­lutang nito sa mga dumi ng tao sa poso negro sa Ba­rangay Caba­tangan sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ilang resi­dente, nakarinig sila ng paulit-ulit na iyak ng sang­gol kaya kaagad nilang inusisa ang pinagmumulan nito sa loob ng bahay.

Sa paghahanap ng mga kapitbahay, ay nama­taan ang sanggol na pa­lutang-lutang sa mga dumi ng tao sa poso Negro kaya nag­tulung-tulong na mai­ahon.

Napag-alamang naka­kabit pa ang pusod sa inu­nan kaya ang midwife na si Teodora Mediante na­ man ang pumutol.

Agad namang dinala sa ospital ang sanggol upang mailigtas sa anumang in­peksyon mula sa mga dumi sa poso negro.

Inaalam naman ng mga awtoridad ang pagkaka­kilanlan ng inang nagtapon sa sanggol na mananagot sa batas sa oras na ma­aresto ito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

HIMALANG

INAALAM

NAPAG

SHY

TEODORA MEDIANTE

ZAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with