Patay sa lumubog na motor banca, 12 na!

Umabot na sa 12 ang bilang ng nasawi sa paglu­bog ng isang motor banca noong Huwebes ng hapon sa karagatang sakop ng Iloilo.

Nabatid na muling naka­kuha kahapon ng bangkay ng isang paslit na sakay rin ng MB Roliv na matatan­daang lumubog matapos na makasagupa ng buhawi habang naglalayag sa ka­ragatan.

Kinilala ni Commodore William Melad, pinuno ng Philippine Coast Guard sa Western Visayas, ang bik­tima na si Jethniel Flores, 3, na unang iniulat na kabilang sa tatlong katao na nawa­wala dahil sa naturang pa­nibagong trahedya sa ka­ragatan.

Sanhi niya na nabatid na may dalawa pang pasahero ng banka ang hinahanap ng PCG na sina Angelo Tu­guero, 50, at Melinda Alo­pena.

Mula sa 43 kabuuang pasahero at tripulante ng MB Roliv, umaabot na ngayon sa 12 ang kumpirmadong nasawi at 30 ang nakaligtas habang dalawa ang nawa­wala matapos na lumubog dakong ala-1:00 ng hapon ka­makalawa sa Iloilo ang ban­kang de motor.

Sinasabing umalis uma­no sa Feeder Port sa Con­cep­ cion, Iloilo ang motor banca nang hindi nagsu­sumite ng kaukulang doku­mento sa Coast Guard Mobile Team at sa kabila nang pagbabawal ng PCG sa paglalayag dahil na rin nakaamba sa lugar ang storm signal no. 1 na dulot ng bagyong Quinta.

Kaugnay nito, patuloy na nagsasagawa ang PCG ng search and retrieval operations para sa 10 pasahero nang lumubog na MB Don Dexter Cathlyn na hang­gang sa kasalukuyan ay nawawala pa rin.

Ayon sa PCG, bumuti na ang lagay ng panahon sa lugar na kinalubugan ng barko kaya naipagpatuloy na nila ang operasyon na unang itinigil kamakalawa ng umaga dahil sa masa­mang panahon dulot ng nabanggit na bagyo.

Ang MB Don Dexter Cathlyn ay matatandaang lumubog sa karagatang sakop ng Masbate noong Martes na nagresulta sa pagkamatay ng 42 katao.

Batay sa inisyal na ulat na nakarating sa PCG, overloading ang posibleng da­hilan ng paglubog ng barko, na ma­susi pa umano nilang sini­si­yasat. (Doris Franche at Ronilo Ladrido Pamonag)

Show comments