^

Probinsiya

25-katao nalason sa formalin

- Joy Cantos -

Umaabot sa 25-katao ang iniulat na na-ospital makaraang malason sa kinaing isda na kontami­nado ng formalin sa bayan ng Cataingan, Masbate noong Martes.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, Masbate police director na isinumite sa Camp Crame, lumilitaw na nagbilihan ang mga resi­ dente ng mga isdang rum­pe (malasogue) at tanigue na inangkat pa ng mga mangingisda mula sa Samar saka ibinenta sa palengke ng Brgy. Pobla­cion ng nasabing bayan.

Gayon pa man, tatlong oras matapos na kumain ng isda ay nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagkahilo, at pagsu­suka ang mga biktima kaya mabilis na isinugod sa Cataingan District Hospital.

Base sa pakikipag-ug­na­yan ng pulisya sa mga doc­tor, posibleng kontami­nado ng formalin ang mga isda kaya nalason ang mga biktima.

Samantala, kumuha na rin ng sample ng mga isda ang mga health officials upang isailalim sa laboratory test.

Kaugnay nito, nagpa­dala na rin ng mga medical kit at tulong si Gobernador Olga Kho para sa mga na­lasong residente.

vuukle comment

BRGY

CAMP CRAME

CATAINGAN

CATAINGAN DISTRICT HOSPITAL

GOBERNADOR OLGA KHO

MASBATE

REUBEN THEODORE SINDAC

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with