^

Probinsiya

2 bokal nagkapikunan sa 'palengke isyu'

-

BATAAN – Dahil sa kon­tro­bersyal na isyu na may kaug­nayan sa itinatayong P50 milyon ba­gong palengke sa Barangay Palihan sa bayan ng Her­mosa, nagka­pikunan at mun­tik magkasun­tukan ang dala­wang miyembro ng Sang­gu­niang Panlalawigan sa loob ng session hall kaha­pon sa ka­pitolyo sa Balanga City, Bataan.

Napag-alamang inimbita­ han ng Provincial Board Council ang mga miyembro ng Sang­guniang Bayan ng Her­mosa para hingin ang ka­nilang panig sa naging reso­lusyon ng mga ito para sa konstruksyon ng palengke subalit nagkapi­kunan ang dalawang bokal na sina Orlando Miranda, chairman ng committee on land use at Gaudencio Ferrer.

Lumilitaw na pinagpapa­liban ni Bokal Miranda, ang pag­pu­pulong at itakda muli sa susu­nod na linggo subali’t igi­niit na­man ni Bokal Ferrer na ituloy na ito dahil nakapag-im­bita na siya ng responsab­leng tao.

Nauwi sa mainitang pag­tatalo at magkabatuhan ng ma­aanghang na salita ang da­lawa na naawat naman dahil pumagitna si Vice Governor Serafin Roman.

Sa panig ni Ferrer na ibig la­mang nitong ilagay sa ayos ang itinatayong palengke dahil ang kinatitirikan nitong lupa ay irrigated rice field at posibleng nasakop ng moratorium para sa land conversion.

Sagot naman ni Miranda para sa ikakaunlad ng kani­lang bayan ang itinatayong bagong pamilihan at patuloy ang pag­laki ng kanilang po­pulasyon. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

BALANGA CITY

BARANGAY PALIHAN

BOKAL FERRER

BOKAL MIRANDA

GAUDENCIO FERRER

JONIE CAPALARAN

ORLANDO MIRANDA

PROVINCIAL BOARD COUNCIL

SHY

VICE GOVERNOR SERAFIN ROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with