^

Probinsiya

Mag-ama nalunod

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-ama makaraang malu­nod ang mga ito ha­bang na­liligo sa ilog ng Pagsanjan, Laguna noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Archie Picardo, 29, isang security guard at ang 3-taon gulang na anak nitong si Mark Gian na kapawa residente ng Barangay San Isidro, Pag­sanjan, Laguna.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Felipe Rojas, Jr., Laguna police director, nagpasyang maligo ang mag-ama sa kalapit na ilog bandang alas-8 ng gabi.

Napag-alamang isina­kay ni Archie, ang anak sa kan­yang likod habang lu­ma­langoy hanggang sa maka­bitaw ang bata at tangayin ng malakas na agos ng tubig.

Sinikap pang sagipin ni Archie ang kanyang anak pero pinulikat ito at tuluyan ding malunod kasabay ng kanyang anak.

Narekober ng mga aw­toridad ang bangkay ng batang si Marc Gian ban­dang alas-9:30 ng gabi, saman­tala, narekober na­man ang bangkay ni Archie bandang alas-8:30 ng umaga kaha­pon.

vuukle comment

ARCHIE PICARDO

BARANGAY SAN ISIDRO

FELIPE ROJAS

KALUNUS

MARC GIAN

MARK GIAN

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with