^

Probinsiya

Valedictorian, 12 pa, nalunod

-

Pinangangambahang namatay ang 13 katao ka­bilang ang isang class valedictorian makaraang lu­mu­bog ang sinasakyan nilang pumpboat noong Miyer­kules habang nagla­layag sa karagatang nasa­saku­pan ng Balut Island sa Sa­rangani, ayon sa ulat ka­hapon.

Kabilang sa mga pinag­hahanap ay ang magka­patid na sina Dianne de Arsi, nahirang na Class Valedictorian sa kanilang graduation day at kapatid nitong si Allan.

Nitong Huwebes ay nagsagawa ng search and rescue operations ang mga awtoridad subali’t hang­gang nitong Biyernes ay nabigong matagpuan ang mga nawawalang biktima.

Nabatid na umabot na sa Marusi Island sa pag­hahanap ang rescue team na kinabibilangan ng Philippine Coast Guard, Maritime Police at iba pa subali’t ni bakas ng sinasakyang pumpboat ng mga biktima ay hindi natagpuan.

Maliban sa magkapatid na de Arsi, apat na pamilya at walong nakisakay la­mang sa pumpboat ang pinangangambahang nalu­nod rin sa trahedya.

Kagagaling lamang ng mga biktima sa pagdalo sa isang kasalan sa Barangay Mabias, Balut Island nang aksidenteng lumubog ang pumpboat. (Joy Cantos)

vuukle comment

ARSI

BALUT ISLAND

BARANGAY MABIAS

CLASS VALEDICTORIAN

JOY CANTOS

MARITIME POLICE

MARUSI ISLAND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with