^

Probinsiya

Asasinasyon kay Gov. Panlilio, nasilat

- Ni Resty Salvador, Ding Cervantes -

PAMPANGA —  Pinanini­walaang nasilat ang tang­kang asasinasyon laban kay Gov. Eddie Panlilio maka­raang mapigilan ng mga security personnel ang isang 30-anyos na lalaking may hawak na patalim at papa­lapit sa nasabing opisyal sa lobby ng provincial capitol kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek sa alyas na Eusebio na resi­dente ng Barangay Sta. Lucia sa bayan ng Maca­bebe, Pampanga, na na­unang lumapit at humingi ng tulong sa isang reporter ng local na television station na si Leslie Manalo.

Napag-alamang nakiusap ang suspek kay Manalo na kung maari ay makausap niya si Gov Panlilio para humingi ng tulong pangkabuhayan.

“Intayin nating matapos ang flag ceremony at may ilang personnel sa ikalawang palapag ng kapitolyo na mag-aasikaso sa inyo,” pahayag ni Manalo sa suspek.

Matapos ang flag cere­mony ay nilapitan at kina­panayam ni Manalo si Gov Panlilio, subalit natanaw niya ang suspek na papalapit sa likuran ng opisyal na may hawak na patalim. 

Hindi naman malaman ni Manalo kung papaano mag­re-react habang papalapit ang suspek na may dala­wang talampakan na lamang ang layo kay Gov. Panlilio. Naging alerto naman ang mga security personnel ni Gov. Panlilio at naharang ang suspek bago dinala sa local na himpilan ng pulisya para isailalim sa masusing im­bestigasyon. Subalit pinalaya rin ang suspek matapos na malaman ng pulisya na may kapansanan sa pag-iisip at walang planong saktan ang nasabing gobernador.

Ang suspek ay isa la­mang sa libu-libong resi­ dente na nagtitipun-tipon sa kapi­tolyo para makilahok sa ini­lunsad na “white ribbon campaign,”

Nabatid na hindi na nag­susuot ng bullet-proof vest si Gov. Panlilio matapos ang May 14 elections dahil na rin sa nakaambang asasi­nas­yon sa kanya.

vuukle comment

BARANGAY STA

EDDIE PANLILIO

GOV PANLILIO

MANALO

PANLILIO

SHY

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with