4 Jap tourists naaktuhan sa porno
() - August 3, 2007 - 12:00am

CEBU —  Rehas na bakal ang binagsakan ng apat na Japanese tourists makaraang ma­sakote ng mga tauhan ng Lapu-Lapu City police  na gu­magawa ng pelikulang porno sa isang maliit na pulo ng Sulpa na sakop ng Olango Island sa Cebu noong Miyer­kules ng hapon.

Ayon kay P/Inspector Junnel Caadlawon, naaktu­han nila ang babaeng Hapo­nes at partner nitong lalaki na nag­tatalik sa buhangin habang ang dalawa naman na may hawak ng video camera ay abala sa pagsasapelikula.

Ang maliit na pulo ng Sulpa na may 20-minutong pagla­lakbay mula sa main island ng Olango ay napatanyag dahil sa kaputian ng buhangin nito.

Kabilang sa mga suspek na kinasuhan sa paglabag ng Article 201 ng Revised  Penal Code sa Lapu-Lapu  City Pro­se­cutor’s Office ay sina Miya­waki Yuki, 26; Yokomizo Ma­sashi, 36; Izuno  Hiwaki, 24; at si Taki­moto Yuichiro, 40, na pawang naninirahan sa Tokyo, Japan at pansaman­ talang naka-billeted sa Midtown Hotel­ sa Cebu City.

Napag-alamang nag-iisang babae si Yuki sa grupo nang maaktuhang nakikipag­talik kay Masashi, ayon kay Caadlawon. Bago madisku­bre ang in­si­dente ay nama­taan ng dala­wang bird wardens ng nasa­bing isla ang gina­gawang kalas­waan ng apat kaya agad nilang ipinag­bigay-alam sa police station ng Sta. Rosa, Olango Island hanggang sa rumesponde ang mga tauhan ni Caad­lawon.

Nasamsam sa mga sus­pek ang limang digital ca­meras, 2  tape na DVM60 na may porno movie, 1 used condom, 5-unused condom at mga personal na gamit.

Sinabi ni Caadlawon, ang apat na Hapones ay hindi makapagsalita ng English kaya kumuha sila ng interpreter, “they did it just for fun,” pa­hayag ng mga suspek.

Ang Japanese consul sa Cebu na si Shigekazu Saku­naga, ay tumangging magbi­gay ng anumang statement habang pinabeberipika naman ang record ng mga suspek sa Bureau of Immigration.

Sa pahayag naman ni P/Supt. Louie Oppus , hepe ng pu­lisya sa Lapu-Lapu City, ina­asahan nilang magpipi­yansa ang apat na Japanese tourists.

May teorya si Oppus na ipagbibili ng mga suspek ang pelikulang porno sa namama­hala ng Internet. Quennie San­­chez-Bronce. (Joy Cantos)

ANG JAPANESE OLANGO ISLAND SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with