^

Probinsiya

Shabu lab uli sa Mindoro ni-raid

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna  — Muling sinalakay ng mga tauhan ng pulisya ang isa na namang shabu laboratory sa Calapan City, Oriental Mindoro kahapon kung saan apat na araw ma­tapos madis­kubre ang isang laboratoryo sa Baran­gay Navotas na po­sibleng ma­kagawa ng P3.5-bilyon ha­laga ng shabu.

Ayon kay P/Senior Supt. Agrimero Cruz, Oriental Min­doro police director, sa bisa ng search warrant na ipi­nala­bas ni Judge Tomas Leynes ng Calapan City Regional Trial Court-Branch 40, sina­lakay ang laboratoryo sa Ba­rangay Communal kung saang naka­kuha ng tatlong yunit ng hydro­genator, isang yunit ng boiler at apat na kahong hydrochloric acid na gamit sa paggawa ng methamphetamine hydrochloride (shabu) bandang alas-11 ng umaga, subalit walang na­arestong tao.

 “Sa nakuha naming mga equipment, posibleng maka­gawa ng 100 kilo ng shabu kada araw ang mga sin­dikato,” ani Cruz sa PSN

Sa panayam kay P/Chief Supt. Napoleon Cachuela, Re­gion 4-B police director, tinu­tugis pa rin nila ang tatlong Tsino na nag-mamay-ari ng dalawang shabu laboratory.

“Kilala na naming ‘yung isang Tsino pero hindi pa na­min pwedeng ilabas ang pa­ngalan para hindi sila mabu­labog,” pahayag ng opisyal.

Naniniwala pa rin ang pu­ lisya makakadiskubre ng iba pang laboratoryo sa na­banggit na lalawigan na mi­nimintena ng mga dayuhang sindikato. Arnell  Ozaeta/Joy Cantos

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ

CALAPAN CITY REGIONAL TRIAL COURT-BRANCH

CHIEF SUPT

JOY CANTOS

JUDGE TOMAS LEYNES

NAPOLEON CACHUELA

ORIENTAL MIN

ORIENTAL MINDORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with