^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
2 patay sa karahasan
CAVITE – Dalawa-katao ang iniulat na pinaslang sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa dalawang bayan sa lalawigan ng Cavite kamakalawa. Ayon sa ulat ng pulisya, si Erwin Ravarra, 28, ng Ancris Subd. ay pinagtulungang saksakin ng mga adik sa bawal na gamot habang naglalakad papauwi sa bahagi ng Barangay Salinas, Bacoor, Cavite. Samantalang si Jessie Pega, 36, ay piangtulungan din saksakin hanggang sa mapatay ng mga suspek na sina Robert Cabides, Rolando Cabides, Nilo Tafalla at Leo Baliin na ngayon ay tugis ng pulisya. Ayon sa pulisya, hinamon ng suntukan ni Pega ang mga suspek kaya naganap ang krimen sa Barangay Hugo Perez, Trece Matires City, Cavite. (Cristina Timbang)
Trader tinodas sa pier
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City —Duguang bumulagta ang isang 46-anyos na negosyante makaraang ratratin ng dalawang kalalakihan sa naganap na karahasan sa pier na sakop ng Barangay Talisay, Sorsogon City kamakalawa. Napuruhan sa katawan ng mga bala ng baril kaya namatay ang biktimang si Benjamin Jamon, samantalang isa sa mga suspek ay nakilalang si Vinancio Balanoyos. Lumitaw sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakaupo ang biktima sa harapan ng kanyang tindahan nang lapitan ng mga suspek at isagawa ang krimen. Posibleng may kaugnayan sa negosyo ang isa sa motibo ng pamamaslang. (Ed Casulla)
Paslit naabo sa sunog
CAMP CRAME — Malagim na Semana Santa ang sumalubong isang 5-anyos na paslit makaraang natusta ang biktima sa naganap na sunog na ikinasugat ng malubha ng kanyang utol at tiyahin sa Sitio Bita-ug, Barangay Poblacion, Cebu kamakalawa ng gabi. Halos naging uling ang buong katawan ng biktimang si Claudie May Ann Norvico, samantalang kritikal naman sina Chara Mae Auman, 13, at Giselle Norvico, 11, na ngayon ay nasa Vicente Sotto Memorial Medical Center. Ayon sa pulisya, posibleng natabig ng biktima ang gasera na nakasindi kaya bumagsak sa sahig na kahoy kaya nagsimula ang apoy. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANCRIS SUBD

AYON

BARANGAY HUGO PEREZ

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SALINAS

CAVITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with