^

Probinsiya

Naghahanap ng hustisya

MULTO AT KRIMEN - MULTO AT KRIMEN Ni Maricel Pille Castillo -
CATBALOGAN, Samar – Maraming residente at motorista ang nahihiwagaan sa bahay ng isang misis na nagngangalang Celia na napaulat na hiniwalayan ng kanyang mister noong 1994 sa Barangay Socoro, Catbalogan, Samar.

Kabilang sina Mang Jess Cinco, Mang Allan Tarieta, Mang Belang at Barangay Councilor Edith Concepcion na tumindig ang balahibo sa katawan dahil sa kakaibang pangitain may ilang metro lamang mula sa bahay ni Celia.

"Nangirabo gud man ak pagkita ko nga totrupad na tumabok ha kalsada 3 na puros itom na misay" (Nanghilakbot ako sa takot nang makita kong sabay-sabay na tumawid sa kalsada ang tatlong puro itim na pusa), pahayag ni Mang Jess.

"Tumanda na ako sa pamamasada, subalit ngayon lang ako nakakita ng ganun, hindi karaniwan ang ganun parang may ibig sabihin," dagdag pa ni Mang Jess.

Namamasada ng jeepney ni Mang Allan patungo sa Calbiga mula Catbalogan ay nagpakita ang isang lalaki na duguang kumakaway para sumakay, subalit biglang nawala ang lalaki matapos na tumigil ang makina ng sasakyan kaya kinilabutan ang kanyang mga pasahero.

Mabilis na pinaharurot ni Mang Allan ang sasakyan patungo sa mga opisyal ng barangay para humingi ng tulong na balikan ang nasabing lugar, subalit nang magresponde ang mga barangay tanod sa itinurong lugar ni Mang Allan ay walang makitang bakas ni isang patak ng dugo.

Gayundin si Mang Belang, na kaibigan ng asawa ni Celia ay dalawang beses nang nakaramdam ng kakaiba habang naglalakad malapit sa bahay ni Celia.

Nagpakita ang isang lalaking naglalakad sa unahan ni Mang Belang saka nagtungo sa bahay ni Celia at biglang naglaho.

Kakaiba ang naramdaman at nagtayuan ang mga balahibo ni Mang Belang at lalo pang nahintakutan nang biglang umalulong ang mga aso.

Kinabukasan sinadya nilang mag-asawa ang bahay ni Celia para mag-usisa, subalit walang maisagot ang babae.

Sa ikalawang pagkakataon, habang nakikipag-inuman ng alak napansin ni Mang Belang na may nakaupong lalaki na naninigarilyo sa balkunahe ng bahay ng Celia at dahil sa walang ilaw ay hindi niya makilala ang lalaki.

Biglang kinilabutan si Mang Belang nang tumayo ang lalaki at tinungo ang likurang bahay ni Celia at pagtapat nito sa kulungan ng baboy ay biglang nawala kaya simula noon ay naging usap-usapan ang naganap na insidente.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAHAY

BARANGAY COUNCILOR EDITH CONCEPCION

BARANGAY SOCORO

CATBALOGAN

CELIA

MANG

MANG ALLAN

MANG ALLAN TARIETA

MANG BELANG

MANG JESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with