^

Probinsiya

Sotero Llamas dedo sa ambush

-
TABACO CITY, Albay – Isa na naman dating kumander ng rebeldeng New People’s Army at ngayon ay consultant ng GRP-NDF peace panel ang tinambangan at napatay ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Barangay Tagas, Tabaco City, Albay kahapon ng umaga.

Dalawang bala ng baril sa tiyan at isa sa ulo ang tumapos sa buhay ni Sotero Llamas, 55, ng Barangay Panal, Tabaco City, samantala, sugatan naman ang kasamahan nitong si Marciano Bitara ng bayan ng Malilipot, Albay at ngayon ay ginagamot sa Ziga Memorial District Hospital.

Si Llamas na gumagamit ng alyas "Ka Nogong/ Ka Teroy" at naging opisyal ng Bicol Regional Party Committee ng CPP-NPA ay pinagbabaril ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo dakong alas-8:30 ng umaga habang lulan ng multicab (GRS 646) sa harap ng Carolina Hotel and Restaurant sa nabanggit na barangay, ayon kay P/Chief Supt. Victor Boco Jr., police provincial director.

Napag-alamang si Llamas na naging rebelde ay nadakip noong 1989 matapos ang madugong sagupaan ng militar sa liblib na bahagi ng Juban, Sorsogon at kasalukuyang negosyante sa nabanggit na lungsod.

Tumakbo bilang gobernador ng Albay sa ilalim ng partido ni Sen. Ping Lacson noong nakalipas na 2004 halalan, subalit natalo. (Ed Casulla At Joy Cantos)

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY PANAL

BARANGAY TAGAS

BICOL REGIONAL PARTY COMMITTEE

CAROLINA HOTEL AND RESTAURANT

CHIEF SUPT

ED CASULLA AT JOY CANTOS

KA NOGONG

KA TEROY

MARCIANO BITARA

TABACO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with