^

Probinsiya

Shootout: 6 holdaper todas!

-
CAMP CRAME – Anim na pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na highway robbery gang ang napaslang habang dalawang pulis at isang civilian agent ang nasugatan matapos ang umaatikabong barilan sa pagitan ng mga ito kamakalawa sa Orion, Bataan.

Kinilala ang isa sa napaslang na suspek na si Mario Rado, habang kinikilala pa ng pulisya ang lima pa nitong kasamahan.

Ayon kay Sr. Supt. Hernando Zafra, director ng Bataan Police, ang mga suspek ay sangkot sa robbery at gun-for-hire na pinamumunuan ng isang Pablo Dacpano Jr.

Ang "Dacpano Gang" umano’y ang nasa likod ng serye ng nakawan at mga pagpatay sa Balanga City, mga bayan ng Pilar, Orion, Limay, Mariveles, Morong at Bagac; pawang sa ikalawang distrito ng Bataan

Ang dalawang nasugatang pulis na sina PO3 Danilo Nazareno at PO2 Noel Maglalang at isang ‘di tinukoy na civilian agent ay mabilis na isinugod sa Isaac at Catalina Medical Center sa Balanga City para malapatan ng lunas.

Sa ulat, bandang alas-4 ng hapon nang makasagupa ng mga intelligence operatives ng Bataan Provincial Police Office (PPO) ang grupo ng mga suspek sa Sitio Mabig, Brgy. Sabatan sa Orion.

Bago ang operasyon, nakatanggap ng intelligence report ang mga awtoridad hinggil sa illegal na aktibidad ng mga suspek na nangha-hijack ng mga kargamento sa mga pangunahing lansangan ng nasabing lalawigan. Nang maispatan umano ang mga suspek at akmang sisitahin na ang mga ito ng mga pulis ay agad silang pinagbabaril sanhi ng palitan ng putok sanhi ng pagtimbuwang sa anim na mga suspek. (Joy Cantos)

vuukle comment

BALANGA CITY

BATAAN POLICE

BATAAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

CATALINA MEDICAL CENTER

DACPANO GANG

DANILO NAZARENO

HERNANDO ZAFRA

JOY CANTOS

MARIO RADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with