^

Probinsiya

2 paslit inabuso ng obrero

-
CAVITE – Inaresto ng mga awtoridad ang isang obrero matapos na sabay umano nitong molestiyahin ang dalawang elementary pupils na inimbitahan nito sa kanyang silid kamakalawa ng gabi sa Barangay Magdiwang, Noveleta.

Itinago ni P/Supt. Teodulo Leonor, hepe rito ang pangalan ng mga biktima na sina Alyssa, 9-anyos, grade 4 pupil at Mariz, grade 2, kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Agad namang inaresto ang suspek na nakilalang si Ronnie Baraquillo, 24 anyos, binata, tubong Tagu Bungsud Agusan Del Sur at residente rin dito.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Allen Padilla, dakong alas-6:30 ng gabi nang imbitahan ni Baraquillo ang dalawang bata sa loob ng kanyang inuupahang silid. Sumama naman ang mga biktima dahil sa alok ng suspek na pakakainin niya ang mga ito.

Pagdating sa loob ng kuwarto ay nagkunwari ang suspek na ihahanda ang pagkain kung kaya’t pinahiga muna niya sa papag ang dalawang biktima na agad namang nilapitan ng suspek.

Dito ay agad niyang sabay na pinaghahawakan sa maseselang bahagi ng katawan ang dalawa at halinhinang pinaghahalikan. Nang mag-init na ito ay sabay na ipinasok ang magkabilang daliri ng mga kamay sa ari ng dalawang biktima na hindi nakapalag dahil sa tinakot ng suspek.

Nang makaraos ay binola nito ang mga bata na huwag ng ipagsasabi ang kanilang ginawang aniya’y ‘laro’ ngunit nagsumbong din ang mga ito dahilan upang arestuhin ang suspek ni Barangay Chairman Emiliano Escaño kasama ang kanyang mga tanod at isinuko sa pulisya. (Cristina Go Timbang)

vuukle comment

ALLEN PADILLA

ALYSSA

BARANGAY CHAIRMAN EMILIANO ESCA

BARANGAY MAGDIWANG

CRISTINA GO TIMBANG

NANG

RONNIE BARAQUILLO

TAGU BUNGSUD AGUSAN DEL SUR

TEODULO LEONOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with