^

Probinsiya

Parak naisalba ng cell phone

-
LAGUNA — Nakaligtas sa kalawit ni kamatayan ang isang kagawad ng pulisya makaraang tumama ang bala ng baril na ipinutok ng isa sa tatlong holdaper sa cell phone ng biktima kamakalawa sa itinayong checkpoint sa Barangay Tagapo, Sta. Rosa, Laguna. Nakaratay ngayon sa ospital ang biktimang si PO1 Marc John Mangalis matapos na tamaan ng ikalawang putok ng baril sa kaliwang kamay. Sa ulat, bandang alas-10:45 ng gabi nang sitahin ng biktima ang nakamotorsiklong mga holdaper. Dito bumaba ang isa sa tatlo na nagpanggap na jijingle, subalit. habang kinakausap ng biktima ang dalawa ay binaril siya ng isa sa dibdib. Ayon sa ulat, ang bala ay tumama sa cell phone ng biktima na nakalagay sa bulsa ng polo at ang ikalawang putok ay sa kaliwang kamay hanggang sa magsitakas na ang mga holdaper. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

AYON

BARANGAY TAGAPO

BIKTIMA

DITO

ED AMOROSO

HOLDAPER

MARC JOHN MANGALIS

NAKALIGTAS

NAKARATAY

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with