^

Probinsiya

Coed nalungkot sa pagkamatay ng ina,nag-suicide

-
Tanay, Rizal – Dala ng labis na kalungkutan mula ng mamatay sa aksidente ang ina, isang 19- anyos na kolehiyala ang nagsuicide matapos itong magbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Aideleen Marindo, 2nd year Tourism student ng Unciano College, residente ng Quirino St., Brgy. Pinagkamaligan ng bayang ito.

Ayon kay PO1 Renato Abalos, may hawak ng kaso, natagpuan ng kanyang kapatid na babae ang nakabiting katawan ng biktima sa kisame ng kanyang kuwarto dakong alas-10 ng gabi.

Sa salaysay ng pamilya ng biktima, nabatid na simula ng mamatay ang ina ng dalaga sa isang vehicular accident noong Enero ng taong ito ay naging malungkutin na ito, palaging nakatulala, halos hindi makausap at nawalan na ng ganang mag-aral.

Hindi umano nila sukat akalain na hahantong sa pagpapatiwakal ng biktima ang pangyayari.

Dinala na ang bangkay ng biktima sa PNP-Crime Lab para maisailalim sa awtopsiya. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AIDELEEN MARINDO

AYON

BRGY

CRIME LAB

DALA

DINALA

EDWIN BALASA

QUIRINO ST.

RENATO ABALOS

UNCIANO COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with