Bodega ng shabu sinalakay

BULACAN – Umaabot sa 45-kahon ng kemikal na pinaniniwalaang sangkap sa shabu ang iniulat na nakumpiska makaraang salakayin ang malaking bodega sa Barangay Tabang, Guiguinto, Bulacan kahapon. Bandang alas-11 ng umaga nang makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni P/ Chief Insp. Abraham C. Rafanan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakabase sa Bulacan na may lihim na pagawaan ang naturang bodega.

Ayon kay Rafanan, ginawa lamang na imbakan ng pansit ang bodega para hindi mahalata ng mga awtoridad na may itinatagong kemikal na sangkap ng shabu. Napag-alaman pa na may dalawang buwan nang inuupahan ni Pianna Chua ang bodega na pag-aari naman ni Lucila Mesina. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments